Mas maganda if you know the song "Stay" ~ by Lisa Loeb
STAY
You say i only hear what i want to
- lagi mo na lang sinasabi na hindi ako nakikinig sa yo, laging pasaway ang lumalabas sa bibig mo, lalong lalo na pag kinakausap mo na ko. Walang ilang beses na ba tayong nagkasagutan tungkol sa bagay na to. Hindi naman kita makausap pag hindi ikaw ang nauna. Ang masaya lang nito, eh lagi ka pa ring nagpapakita, mapa-tanghali, mapa-gabi. Minsan hanggang madaling araw pa at kasama mo pa yung mga kaibigan mo. Natutuwa na lang ako pag andiyan ka na, pero magsisimula na naman ang walang humpay mong…….
And you say I talk most so all the time, so
- hindi naman ako madaldal, lagi lang talagang maraming dapat sabihin at ihayag. Kasi kung pipigilan ko naman to, eh di hindi lalo tayo nagkaintindihan. Minsan naman sa dami ng ingay sa paligid, kailangan ko ng sumigaw, at lakasan pa lalo ang tining ng boses ko. Wag ka naman sana mabibingi at kung sakali magsawa sa mga pananalita ko. Kasama naman yan di ba? Simula noong magkakilala tayo? Basta wag ka sanang………
And i thought what i felt was simple
- simple lang naman talaga ako eh, di masyadong nagbibihis, maliban kung pupunta sa simbahan. Pero pagka-ganitong araw, hindi na kailangan. Basta nakapusod ang buhok ko, nakapantalon at t-shirt, kasi naman mainit. Mas gusto mo naman ang simple di ba? Lagi ka na kasing nakakakita ng mga mukhang artista dyan sa tabi-tabi. Para naman maiba. Saka alam mo naman ang lagi kong pasakalye sa yo, lalo na pag………
And i thought that i don't belong
- siguro nga hindi ako nababagay makisalamuha, pero parte na rin naman yon ng pagsasamahan di ba? Hindi ko naman basta maiiwasan na lang kung……
And now i am leaving
- nakakita na kasi ako ng iba. Pasensiya ka na. Siguro pag napadaan ako sa may sa inyo, tutal isa lang naman ang daan natin. Wag mong alalahanin, maaalala pa rin naman kita kahit papano. Mas mabuti na ang ganito at ng maginhawa na tayo pareho. Sinabi ko naman sa yo dati na…….
Now i know that i did something wrong cause i missed you
- Nakakapanibago. Maraming bagay ang hindi ko na nagagawa, di tulad ng dati. Minsan sumasagi sa isip kung bakit pinili ko pa to. Mabuti na rin naman noon ah, hindi masyadong stressful, masaya, maraming kasama, andoon ka pa. Mabuti sana kung…….
Yeah, i missed you
- Bakit ko ba naaalala yung dati? Kasi siguro sa sobrang kaulitan mo, at yung mga bangayan natin na minsan akala ng iba eh nakikipag-away tayo sa kung sino, di lang nila alam…..
You say i only hear what i want to, i dont listen hard
- Nakikinig ako, I pay a lot of attention. Its just that mos of the time a lot is happening at the same time. I’m only human and I do have my weaknesses. Parang hindi ko naman ginagawa ang mga hinihiling mo, parang….
I dont pay attention to the distance that you're running or to anyone, anywhere
- You are wrong about saying that to me, you cannot judge me as it is….. I take care of you and everybody else the way you’re supposed to be taken care of, with lots of respect, with everything I got.
I don't understand if you really care
- How about you? I don’t think you’d do the same for me. Though there were a few times that you did something for me, which I find sweet and perfect for that day, because I needed that….
I'm only hearing negative, no no no
- I would never ever think adversely towards you, nor to anyone. Minsan nga lamang nagkakaroon din naman ako ng mood swings, saka minsan me pagkapilya din naman ako. Hindi ko rin naman maiiwasan na maging mapagbiro, eh di anong tingin na lang sa kin, boring na tao, kung hindi ba naman…..
So i, I turned the radio on, I turned the radio up
- Siyempre, music gives me the energy I need for the day. Hearing a little bit of music makes everything seem easy. Nakakayanan ko ang stress ng buhay, ang stress sa pag-asikaso sa yo, ang stress sa….
And this woman was singing my song
- Paborito ko yun…. Si Lisa Loeb. Gusto ko ngang kantahin lagi yun, o I-dedicate man lang, kahit gani-ganito na lang…..
The lover's in love and other's run away
- sure, sino ba naming lover ang hindi in love sa lover nya….ano ba yun, kaya lang minsan, kadalasan if you love someone tapos sasabihin mo na sa kanila, bigla na lang silang mawawala. Akala mo non-existent ka na sa kanila, lalayo na lang silang……
The lover is crying cause the other won't stay
- sadness makes you grow strong, crying takes all your sorrows away…..sige lang itulo mo lang ang luha mo, tulad nga ng isang uhaw na tao, pag napuno na ang tyan sa tubig, titigil din sa kakainom.
Some of us hover when we weep for the other who was dying
- bakit ba kasi na we have to let go,we have to move on, hanggang memories na lang ba? Ganon ganon na lang ba tayo pagkatapos? Hay…..
Since the day they were born well, well
- we were born to die? Ganun….
Well this is not that, i think that i'm throwing but i'm thrown
- lalalalalalal……lalalalalalala….hmmmmm…hmmmm……wooooooo…….lalalalalalala…..
And i thought i'd live forever but now i'm not sure
- ayan nasisira na tuloy ang konsentrasyon ko, hindi ko na maintindihan yung sinasabi sa radio, saying paborito ko pa naman yung drama ngayon, nakakaaliw na, me natutunan pa ko tungkol sa sarili ko. Hindi ko alam na kahit sa pakikinig lang eh me emosyon na lalabas sa akin…..
You try to tell me that i'm clever but that won't take me anyhow
- ah, ayan na naman sila, dagsaan na naman, akala mo mauubusan, akala mo hindi ako nag-iisa dito, ano ako robot? Oo magaling nga ako, mabilis, magilas, pero minsan nanghihina din naman ako, tulad noong…..
Or anywhere with you
- sige na nga basta ikaw, basta nakikita kong lagi kang nakangiti. Ang ekspresyon mo sa buong araw eh hindi maipipinta ng kahit na sino, kasi iba ibang klase ng kasiyahan ang lumalabas sa yo habang sinusubo……
And you said that i was naïve
- akala mo noong una, wala akong alam no? Baguhan, mistulang birhen sa mundong kawalan…..hahaha, diyan ka nagkakamali, pero….
And i thought that i was strong, oh
- me masasamang araw din naman ako, lalo na pag dumadating yung buwanan kong bisita, na hindi ko maiiiwasan, ayun bumubugnot ang ulo ko, hindi ako makapag-concentrate, walang panama, alang panlaban sa…
I thought hey i can leave, i can leave
- Sige na nga paalam na, baka talagang hindi na tayo magkita. Wag kang mag-alala, me papalit naman siguro agad sa kin para sa yo, para hindi ka…..
Oh, but now know now that i was wrong cause i miss you
- nakakahumaling, nakakasanay…..maninibago ako pero kailangan kong gawin to, para sa akin, hindi para sa ibang tao….
Yeah i miss you
- kahit na ganyan ang sakripisyo, ayaw kong ipaglaban, susuko na ako sa patutunguhan ko, at hindi na ako lilingon pabalik. Siguro nagiging makasarili nga ako, pero ganyan talaga….ganyan talaga…..
You said you caught me cause you want me and one day you'll let me go
- hawak ng mahigpit, isa pang matinding hagupit ng iyong hiling, inyong hiling….
You try to take a keeper or keep me cause you know
- huli na to, ngayong araw na lang, hindi na sasayad ng tanghali, hindi na rin makukulob ng gabi…
You're just too scared to lose
- wag sabing mag-alala, me pipisan naman agad dito, me bagong mag-aasikaso, meron na naman kayong makukulit, mapagsasabihan, makakausap, kadamay, kasama at higit sa lahat…
And you say stay
- Kaya nyo yan, mas maganda to para sa kin, mas gusto ko na ang ganito
And you say I only hear what i want to
- tama kayong lahat, gusto ko kasi ang narinig kong susuwelduhin ko sa hotel bilang Supervisor, sabi ng part-time lang tong pag-we-waitress ko dito sa canteen na to, kayo ma-mi-miss nyo ako?

0 Comments:
Post a Comment
<< Home