Yan......U.P.
Sa mga mata ng isang estudyante na nagsimula sa pagiging isang hangal at mangmang sa mundo, ihahayag ko senyo kung ano ang pananaw ko sa isang isko sa paaralang lagi na lang napagdi-diskitahang tanungin ang mga katotong “Yan ba ang natututunan mo sa U.P.?”
Wala akong kamalay- malay noong araw. Ano ba yang University of the Philippines. Maski isang kolehiyo sa pilipinas wala akong kaalam-alam noong nasa hi-school pa ko. Anong pakialam ko noon. Nasa U.S. ang tatay ko, siguro doon na ko mag-aaral pagka-graduate. Hah! Maling akala ng isang hamak na labimpitong taong ugok.
Anong napala mo. Bago pa man matapos ang hi-school nagkakaripasan na ang mga ga-graduate sa pag-apply sa entrance exam. Eh wala akong pambayad noon. Kasya lang sa P190 na pang-entrance sa isang kolehiyo ang nakayanan. Hindi sa pagyayabang, kasi hindi naman talaga kayabang-yabang to, eh sa University of the Philippines lang ako nag-test. Oo, kumuha din ako sa Ateneo, pero na-late po ako ng 30 minutes, kaya hindi nila na ko pinakuha. Sa La Salle naman po eh, hindi ko na rin inabutan yung date ng exam kasi nagpunta kami ng Iloilo.
Hindi ang mga magulang ko ang nagbayad noong dalawang college entrance exam, kundi ang tiyahin ko. Ganyan kami kasupot sa pera noon. Akalain nyo bang isang beses pa lang akong nakaluwas ng Maynila noon na walang kasamang magulang. Talagang siyano ako.
Lumaki man ako sa Cebu noon, pero ibang usapan na pagdatin sa Maynila.
Waitlisted ako sa first choice kong kurso, MassCom sa Diliman. Pumasa naman ako with flying colors sa DevCom sa Los Banos. Gustong gusto ko talagang maging isang journalist noon. Andaming tumatakbo sa isip ko na gusto kong ilagay sa panulat. Tuklasin ang mundo at tanungin ang bawat nilalang kung bakit nananatiling umiikot ito.
Hindi ko nagawa.
UPLB, masaya, andaming babae, mura ang alak, natuto akong magyosi at mambabae. Inuubos ang weekday sa pag-aaral. Math, Bio, DevComm, Soc Sci, History, Hum, Comm, Botany, P.E. Walang inatupag pag weekday. Pero weeknights, don’t bother me, I’m enjoying my life. Lahat siguro ng sa tinging ko magandang babae, nakilala ko at nakasama, kahit isang beses lang.
Di ako pabling, sinuwerte lang.
Hindi ko pa nakikita ang kabilang anyo ng Unibersidad. Puro sugar coating pa lang ang nararanasan kong tikman. Masyadong mabagal makarating sa chewy center. Pero natatanaw ko na yun. Meron nang mga organisasyon na humihikayat sa kin na salihan ko. Fraternity, clubs, orgs…etc…
Honorary member ako ng Labay. Hindi ako pwedeng maging totoong member kasi hindi naman ako marunong mag-Ilonggo, me dugo lang ako. Nadadamay na rin ako sa pang-aaway ng Vanguard. Pati nga Eagles ilag ako noon. Muntik na kong masali sa UPSILON. Isang beses lang naka-attend ng orientation, napalo pa ko. WTF. Nayakag din akong sumali sa Alpha Sigma. Kaya lang yamot ako sa isang pretty boy na nang-aagaw don sa pinopormahan ko.
Nakasali din ako, pero hindi ako natuloy sa pagiging isang brod. Hindi ko na sasabihin ang pangalan kasi, nakalimutan ko na ang tawag.
Madaling salita, umiwas na ko sa Los Banos. Nagpilit akong makaalis at magsimula uli sa ibang lugar.
Sinubukan ko ang UST. Alang kuwenta, ang dali ng entrance exam. Lahat ata ng department pwede akong mag-transfer. Isa pa tong Letran na to.
Nakalipat ako ng Diliman. Economics. Sila lang ang tumanggap sa kin, maniwala kayo’t sa hindi. Isa pa naman to sa pinakamahirap na colleges na pasukan. Kelangan me GWA kang 2.25 every sem. Suya.
Kaya ko naman, alang problema. Wag nilang sasabihin na hindi nag-aaral ang mga estudyante dito. Apat na taon akong nakatira sa dormitoryong pinagmulan ng mga mabalasik na utak sa Pilipinas, mapa-politika man or katarantaduhan.
Hindi lang iisa ang batayan ng pagiging isang matalino. You can be a psycho killer and be a genius, but still, everyone goes a little mad sometimes (alam kong meron nang nagsabi nyan, kayo na lang ang maghanap kung sino, pero I recognize him here, I don’t want to plagiarize).
Huwag sana ninyong itakwil ang nakita nyo dito sa iskwelahang ito, na nagmulat senyo kung ano nga ba ang pwede nyong gawin. Hinding hindi mo to makukumpara sa ibang kolehiyo dito sa Pinas, kahit pagsama-samahin pa silang lahat, sa tingin ng mga estudyante ng Alma Mater natin eh mahina ang utak nilang lahat.
Kung kayo man ay napahamak o napariwari, dahil na rin yan sa katarantaduhan ninyo. Wala na kayong ibang masisisi kundi sarili ninyo. Tulad nitong nabasa kong mga artikulo tungkol sa “Yan ba ang natutunan mo sa U.P.” at ang sagot ditong “Bulag sa Katotohanan: Reaksyon sa Yan ba ang natutunan mo sa UP?”. Positibo, Negatibo. Kanya kanyang pananaw lang yan brod. Yan ang natutunan nyo, pano naman ang iba. Yun una, alam ko nagpapatawa ka lang. Pinatulan ka naman nung isa na me pagkakataong pitong taong na mag-isip kung ano nga ba ang ginawa niyang mali. Siguro ang pagtitig sa apat na sulok ng malamig na pader eh nakakabawas na rin ng pananaw sa buhay.
Parang kabayong pangarera na me harang sa mata.
Naghirap nga kayo, nasiyahan kayo, pero hindi nyo pwedeng ipangalandakan na yan nga ang totoo.
Kung ganyan rin lamang eh mas lamang ako sa mga naranasan nyo. Naging aktibista ako, nasali sa fraternity, tinanggal, sumali ulit, sumali sa isang organisasyon, naging presidente, nasipa sa pagiging presidente, pinapasali sa pagsusulat sa diyaryo, tumanggi, tinira sa likod dahil tumanggi, naging pinuno ng isang dormitoryong kinasisindakan ng lahat, kinalaban ang Chancellor, kinalaban ang Dean, Kinalagan ang Student Regent, kinalaban ang ibang pinuno. Muntik nang mapatalsik, puro laway lang pala. Di na nakakapasok dahil sa dami ng responsibilidad, pinagkakasya ang oras, minuto at segundo para magawa lahat, mapasaya lahat, masolusyunan ang problema ng iba na sa unang tingin eh bakit nga ba nagkaron ng problema at anong pakialam ko.
Tang-ina, ang tatanda nyo na, ang kikitid pa rin ng mga utak ninyo na hindi nyo makita ang katotohan na wala naman talagang tinuturo ang University. Hindi na to isang iskwelahan na ang tingin ng mga papasok pa lang dito eh repository ng matatalino, marami kang matututunan at maraming magtuturo sa yo.
Eh tinamaan pala kayo ng katangahan eh, hindi ko na kayo matutulungan diyan, kasi walang Hospital ng tanga.
Isa ng komunidad ang University. Komunidad na umiikot sa kung ano mang tradisyon ang napasimulan. Siguro ang mga kauna-unahang nakapasok dito eh matatawag nating henyo. Henyo sa diwang sila ang nagpasimuno ng lahat. Bakit nila naisip na gawin yon.
Pero hindi nyo ba naisip na wala naman talagang tinuturo ang mga prof. Lahat ng kaalaman eh malalaman mo rin naman sa labas. Magbasa ka ng libro, magtanong ka sa paligid mo, manood ka ng Discovery Channel, history Channel atbp. Maski nga sa Batibot me makukuha kang kaalaman.
Nasa sa yo lang naman yan, kaya papatak at papatak pa rin na ikaw lang din ang gumagawa ng ikababagsak mo.
Yun na nga ba o biktima ka lang ng pagkakataon.
Wala kang masisisi.
Alma Mater natin to. Isuka mo kung ayaw mo. Tumagay ka pa, kung bitin ka.
Eugene Bryan
Batch 1993 UPLB
Batch 1994 UPD
Better known as Chairman
~this is an answer to one article posted on peyups.com

5 Comments:
bakit andaming bloggers na taga-Up? Wala lang, but infairness a lot of em are good. Har!HAR!
UP is still the top choice in state universities... and the people there are fun too. Sayang di ako taga-UP.
oks ang sinulat mo Euge. Tangna, nasenti tuloy ako... naalala ko ang gulod days, inuman sa sunken, tambay sa narra, etc etc. Tagay pa!
oks ang sinulat mo Euge. Tangna, nasenti tuloy ako... naalala ko ang gulod days, inuman sa sunken, tambay sa narra, etc etc. Tagay pa!
@jeeper LOL everybody blogs na kaya not just UP studes. ;)
"jEjeje...auz ung cnuLat u ah?!!!....I'm xur dmE cgr0 xapuL dun..ajajaja....infairnez my p0int k aman eh.,,wE should be pr0ud 2 our aLma maTer...gLing u mgxuLat...my fuTure k bLang feaTure wriTer...jejejeej...nmiz q 2loy journaLism...."
Post a Comment
<< Home